Pagpapailaw ng Christmas Tree, hudyat ng Kapaskuhan sa Tutuban Center

1 min read

Sa gitna na malamig na simoy ng hangin, ginanap sa Tutuban Center, ang paboritong shopping hub ng bayan, ang taunang pagpapailaw ng kanilang Christmas Tree na matatagpuan sa Open Parking area ng naturang mall. Habang ang mga tao ay matiyagang naghihintay na mangyari ang kaganapang ito, mararamdaman ang excitement ng bawat isa at nang ibigay ang hudyat para sa simula ng countdown, lahat ay nakangiting nag-aabang sa mga mangyayari. At sa sandaling magliwanag ang daan-daang mga ilaw ng higanteng 35-talampakan na Christmas tree, lahat ng mga taong nakapaligid sa Christmas tree ay nagsigawan sa tuwa at pumalakpak bilang pasasalamat na ang pinaka-masayang bahagi ng taon ay nagsimula na. Ang tradisyonal na pagpapailaw ng Christmas Tree sa Tutuban Center ang siyang pinaka-tampok ng bahagi ng pagdiriwang ng Bonifacio Day, na gumugunita sa tapang at kabayanihan na ipinamalas ng isa sa mga pinagpipitagang bayani ng bansa, si Gat Andres Bonifacio.

Makikita sa larawan sina (mula kaliwa) Inigo Cruz, JM Lagumbay, Yayo Aguila, Tutuban Properties, Inc.’s Business Unit Head Ms. Gina Villamor, VP for Special Projects Mr. Stephen Yap, Tenant Relations Manager Mr. Chris Sioson and celebrity twins Kenny & Toffi Santos.

Reference: AMPR Publicity and Communications, Inc.

(+632)7061971

You May Also Like

More From Author